Sorry kung super gulo ng pagkwento but like, super may hangover pa ko from last night's inuman. Ang perky ng feeling ko ngayon and like hindi pa ko nakakatulog ng matino kasi nagpapalpitate ung puso ko right after ng first stick ko ng yosi, mygahhhd. Pero wala akong ma-feel na antok! Nakakapagod and at the same time, nakakatuwa!! Hahaha so happy :D
Anyway, 'yun nga. About sa last night, ayun. May class party ung Bayanihan '07 yesterday kila Ella, the ever-loving-class-president-she's-the-best-i-just-want-to-hug-her-forever!! There.
WAIT. Hindi pa tapos ung kwento. Hihi
So, the party started at 4:00pm pero I came late, not because I was feeling and pa-star which is pwede pero I have a very good excuse so medyo hindi ren. Ayun nga kasi, galing ako sa house nila mama&papa sa Alabang house kasi biglaan ung cousins ko with their, "Swimming tayo kila mama!!! Lahat pupunta, hindi pwedeng hindi." So I was like, okayyy. No choice so pumunta na ko. At nagbabad lang naman kami parang ewan. Umitim tuloy ako lalo. Argh. Tapos ayaw pa ko paalisin nila kasi ang KJ(killjoy un for those who doesn't understand baduy abbreviations) ko daw! wtf. I was like, "Hello?? Tinotopak na ba kayo? I have a party to go to, noh!" Tapos after a million explanations, chaka pa lang ako pinaalis ng mga hinayupak. So syempre naligo, nagbihis at nagayos pa ko, lintek. At galing ako sa Alabang so, ayun. Na-late nga ako. I arrived at Ella's mga 5:30pm na ata un. Pero okay lang kasi medyo konti pa lang naman ung mga tao nun. Pero nung gabi na talaga, siguro mga apat na tao nalang ung dumating. So like, konti lang talaga ung pumunta. Nevertheless, super saya pa ren. I was with Bayanihan naman kasi so, it really feels like home kahit corny, oo na. Pero totoo. :) Pati ang ingay!!! Takte. Asa kabilang kalye na ko rinig ko pa ren ung ingay. As in ung kantahan, ung usapan, tawanan at kung anu-ano pang nagccause nung ingay. So parang marami ung tao. Kaya nga masaya ngaaa!!
Tapos, may na-amin ako kay Jed habang nasa loo si niña (di naman masyadong detailed?! Sensya na, may hangover nga eh.) O ayun, na-amin ko nga tungkol sa isang batchmate namin na dati pa niya kinukulit sakin na sabihin ko na kung sino pero di ko sinasabi kasi ayaw ko mag-gossip. Pero since, graduate na, okay na yun. Hahaha Nasabi ko na eh. Hihi Tapos habang naguusap kami ni Jed, well more like nagchichismisan, nagyaya sila Mariz and Betsy na mag-"jogging". The term mga chong. Halurr?! Pagkalabas namin hagang sa nakabalik na kami kila Ella, naglakad lang kami. AS IN. In this very mabagal way pa kasi si Betsy, ung nagyaya na mag-"jogging" eh napaka ubod ng tagal. (o diba? "napaka" na nga, "ubod" pa.) Kasama nga pala namin nila Mur and Betsy si Niña, naglakad kami papunta sa Brewing Point, ang meeting place ng bayan. Wala naman kami masyadong ginawa dun. Nagyosi lang tas nag-order ng one glass ng ice coffee. Isa lang kasi nakalimutan namin lahat magdala ng wallet, buti na lang may 86pesos si Mariz sa pocket, ayun. Tapos bumalik na kami. Kakaupo ko lang sa upuan (malamang!) nagyaya naman si Rosie na magyosi. Anak ng. Ba't naman kasi hindi pa siya sumama kanina?! So lumabas nga kami kasama si Mur. Nagpunta kami sa Pearl street at umupo sa harap ng super ganda na bahay. Dapat kasi sa court kami kaso sarado na ung ilaw. So dun na lang kami sa street across the court. Hehe Astig ren naman kasi UBEhan to the max kami dun. Isang oras din ata kami nagdadaldalan dun and I must say, ang dami, dami, DAMI ko talagang nalaman. Mga lintek talaga. Kung kelan grumaduate chaka naglabasan lahat ah. Pati ang dami ko ren nalaman na batchmates na may bisyo ren na sobrang di ko inakala!! Totoo nga na ang mga tahimik na tao nasa loob ang kulo. Ayun na 'yon.
So after nun bumalik na sa bahay ni Ella, kaso pag balik namin pa-uwi na si Mrs. & Mr. Ben! I will super duper miss Mrs. Ben. Syempre pati na ren si Mr. Ben. Sayang 'di dinala ni Mrs. & Mr. Ben si Ben, ung panganay nila na anak. Heehee (The Ben Family) Pati pala si Hector!! Ung sumunod kay Ben. Super cute ng kids ni Mrs. Ben as in! O anyway, ayun na nga. Umalis na sila tapos eto namang si Betsy, may kausap dun sa front porch nila Ella, at sumisigaw siya. As in sobrang lakas, parang kala mo nasa kabilang subdi ung kausap niya. Syempre sobra ang pagtataka at pagaalala namin lahat dun noh kasi naman nabubulabog na ang buong sambayanan sa lakas ng boses ni Betsy at ang pagmumura grabe mehn. Parang wala nang bukas. Kakatakot. So 'yun, nalaman nga namin after kung sino 'yun at sobrang obvious na ren naman kahit na hindi niya sinabi noh.
Tapos naguwian naren ung mga tao habang napapasarap na ung kwentuhan namin dun. Until umalis na ren si Betsy tapos biglang may after Class Party inuman pa pala, so nagpaalam ako na wag na ko sunduin dun kila Ella.
Diretsyo na sa Grilla, Royal Place with Niña, Lia and Nikka. Nauna na dun sila Mur, Jed and Crown. At syempre nagmake-up pa kami dun sa baba diba naman dahil mukha paren kaming bata at baka hindi servan. Pero good thing, sinervan naman kami. Pero ung lalaking waiter, whom we later found out na babae pala, eh nag-ask all of a sudden kung sino samin ung below 18. Lahat kami sabay sabay turo kay Mariz. Hahahaha :)) Super funny. Pero eto pa un eh. Pinapainom namin si Mariz pag di nakatingin ung waiter na tibo. After pa ng inuman, si Mariz ung pinaka-lasing. Oh, wait mali. Siya lang pala ung nalasing. :)) Talagang siya pa eh. Buti hindi naman nahalata nung mga tao dun kasi lahat kami maingay. Although wala paren talagang tatalo sa kadaldalan ni Mariz. Kakaloka ang lola mo. Di na tumigil kakasalita at ang kanyang mga hirit, pwede ba?! I'm like, shut up na Mur. Pero ayaw magpaawat eh, talagang tuloy tuloy pa ren sa pagsasalita. Mygawwd.
Eto pa super fun talaga kasi nung mejo may tama na ren nga ako, bigla kaming nagdecide ni Nikka na makiki-jam ako dun sa band na nagpplay. So like sinulat ung name ko sa tissue paper (how very bar-ish) tapos the gay lead singer kept on saying, "Mamaya tatawagin natin si Ja." Like, 3 times pa niya ata un sinabi. Ang irritating na kasi bigla ako kinabahan. Waa. Pero super fun kasi pagkapunta ko sa stage wala pa kong song in mind so sabi ko, pwede ba ko pumili muna dun sa clearbook na dala nila. Pero may kinanta sakin ung gay lead singer na mejo alam ko at mejo hindi ren, so um-oo na ko kasi I didn't want to keep the audience waiting. Nakakahiya. Nakiki-jam na nga lang ako tapos ang tagal pa diba? So kinanta ko na, with a copy. Nung umpisa alam na alam ko kala mo kung sino ako, tapos nung nagchorus na, hindi ko na alam :)) Hahahahahahah So kumakanta ren ung lead singer pag di na ko kumakanta. Hihi. Feeling ko tuloy banda ko lang 'yun. After nun pinakanta ako ulit ng isa pang kanta na NEVER kong na-imagine na kakantahin ko in public, as in ung in front of a crowd on a stage. Pinakanta ako ng "Hawak Kamay" ni Yeng Constantino. Di ko naman hate ung song pero, nakakasira ng reputasyon :)) No offense to Yeng. Super nice ung song, okay? Ayoko lang na ako ung kakanta. Pero nakanta ko na, so ayun na. Hihi Super saya paren kasi ang iingay nila Mur habang kumakanta ako as in tili ng tili. Lumipat pa kasi sila dun sa pinakaharap na table tapos nagsisisigaw sila dun. Sabi nga nung lead singer nung band, "Wow, may fans club ka pa." I was like, "Syempre!" Tas when the song ended, super saya ko na kasi na-realize ko na super wala akong kaba na nafeel while I was performing. Super sarap ng feeling. At masaya ren ako kasi natapos na nga ang pagpapahiya ko sa sarili ko. Haha After ko, it was Nikka's turn. Di naman siya dapat kakanta kasi ang usapan nga ako lang pero super gusto namin siya mag-sing so vinolunteer namin siya. She sang "If I Ain't Got You" by Alicia Keys. We were all like, super galing Nikka!! clap clap clap. :D
After nun nag-pay na kami ng bill, scratched our elbows because according to Jed, pag daw ginawa un hindi daw papagalitan ng parents Hahaha :)) We were desperate so nagpa-uto na kami. Then we all went home na.
I got home siguro mga 2:30am na kasi we left Grilla at 2:00am eh. Super sakit na talaga ng ulo ko by the time that I got home. Buti nalang I threw up before going home kung hindi, nakow. Si Ja may tama na naman, and like super mapapagalitan na naman ako. Hey, the scratch-your-elbow-para-di-mapagalitan thing na pina-uso ni Jed actually worked. Hahaha :))
My day ends there. At sobrang hangover paren talaga ako, di lang sa lintek na tequilla na yun pero dun din sa nangyare. As in ung party and those last minute bonding sessions. Ganun. Super saya. I didn't expect it to be super fun. Hayyyyy.
Eto lang naman talaga 'yung gusto kong sabihin simula kanina pa:
"I WILL MISS IV-BAYANIHAN '07" Love you guys!!!!! *kissy kissy and huggy buggies for you all!!!!!! :D
Sunday, April 1, 2007
*Bayanihan Class Party*
Posted by janelleregina at 7:44 AM
Labels: and talk, and talk...AND talk, anubahhhh. miss..youaahhh., Love to Talk
