Kanina, bago matulog, nakita ko na naman ang kanyang sulat.
Pano ba namang hindi, eh sadyang nakadisplay ito sa lamesang nakapuwesto sa dulo ng aking kama.
Ang sulat ay may mahigit na isang taon nang nakaraan nang ito ay naisulat at hanggang ngayon, isang beses ko pa lang iyon nabasa simula nang iyon ay aking natanggap. Sa tuwing ito ay aking nakikita, may halong tuwa, kilig at kaba ang aking nadarama.
Tuwa, dahil ito ay nanggaling sa kanya.
Kilig, dahil ito ay nanggaling sa kanya.
At kaba, dahil ito ay nanggaling sa kanya.
Kinuha ko ang sulat habang nagtatalo ang aking isipan kung ito ba ay aking babasahin muli o hindi.
Isang malakas na batok ang aking natamo mula kay Micko. Sukdulang napakalakas ng kanyang pagkabatok na ako'y nauntog sa dulong kahoy ng aking kama. Napuno ng bituin at constellations ang aking kuwarto sa tindi ng hilo na aking naramdaman. As in parang outerspace!
Malaking pasasalamat na lang at binawi ng aking mga magulang ang kanilang sinabi na si Micko ang ipinangakong lalaki sa akin, kung hindi, battered-wife ang abot ko sa kanya. Grabe, ang brutal.
Pagkatapos ko makakita ng mga bituin, si Micko ay nagsalita, "Basahin mo na kung babasahin mo. Hindi 'yung gabi gabi na lang tinititigan mo 'yan. Nagpapakatanga ka sa isang sulat!"
Maryosep. Tama ang brutal na lalaki.
Tumigil ka, gaga, isa lang 'yang sulat.
Kaya binuksan ko naman ang sulat at nagsimulang magbasa. Pagkadating sa dulo kung nasaan ang kanyang nakapirmang pangalan, ang mata ko ay sukdulang magang maga na.
Ito ang kinatatakutan ko sa pagbasa ng kanyang sulat. Hindi ang pag-iyak kundi ang magiging rason ng aking pag-iyak.
Ako ay nakaramdam ng matinding panghihinayang at pagsisisi (hindi ba't magkapareho lang 'yun?). Mukhang hanggang dito na lang dahil ito ay isa sa mga maraming kamalian na malabo nang maayos.
Kaya pinunasan ko ang aking mga mata at mukha na nagmistulang swimming pool ng luha, lumabas sa veranda at nagyosi.
Ngunit anak ng! Ayaw magpaawat ng mga namamaga kong mga mata at tuluyan itong lumuha, dahil alam kong kahit na ilang yosi ang hithitin ko, hindi ko na maibabalik ang dati niyang nararamdaman para sa akin.
Nang dahil sa sulat, nawasak na naman ang buhay ko.
Nang dahil sa sulat, nawala na naman ako sa aking sarili.
Nang dahil sa sulat, naramdaman ko na mahal ko parin pala siya.
Nang dahil lang sa sulat.
Thursday, March 29, 2007
Ang Kasamaan ng Pagpupuyat
Posted by janelleregina at 12:58 AM
Labels: hanep..such a ddddrag, hmm..headache, i'm beautiful...ly broken. ouch., Sadnessosity
